Target ng Commission on Elections (Comelec) na simulan sa ikatlong linggo ng Enero ang pag-iimprenta ng mahigit 60 milyong balota na gagamitin sa 2019 midterm elections.
Ito’y kahit wala pang inilalabas ang Comelec na opisyal na listahan ng mga pangalan ng mga kandidato para sa May 12 polls.
Ipinaliwanag ni Comelec spokesman James Jimenez na mas mahalaga ay magkaroon lamang ng kaunting “correction” sa oras na maglabas ng official list.
Aminado naman si Jimenez na nahihirapan sila sa pagsasala ng mga kandidato lalo’t 140 ang tumatakbo sa pagka-senador kaya’t nagkakaroon ng delay sa pag-release ng listahan ng mga official candidate.