Hiniling isang grupo ng mga kabataan kasama ang running priest na si Fr. Robert Reyes ang pag-iinhibit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Kaugnay ito sa imbestigasyon ng pagpatay ng mga pulis-Caloocan sa binatilyong si Kian Loyd Delos Santos kamakailan.
Ayon sa grupong Student Council Alliance of the Philippines, tila hinatulan na ni Aguirre ng kaso nang sabihin nitong pinalaki lamang ang kaso ng pagpatay kay Kian.
Sa panig naman ni Reyes, sinabi nitong mayruong nasa likod ng nangyaring pagkikita ng magulang ni Kian at ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi niya ito pinangalanan.
Kasunod nito, kapwa nanindigan sina Reyes at ang grupo na dapat ang Ombudsman na at hindi ang DOJ o Department of Justice ang humawak sa imbestigasyon upang matiyak na magiging patas iyon.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE