Sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iinspeksyon sa mga terminal bilang bahagi ng “Oplan Undas.”
Layunin nito na masiguro ang roadworthiness ng mga pampublikong sasakyan para sa ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero.
Sinabi ni Attorney Alex Abaton ng LTO – Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary na maliban sa pagsuri sa kondisyon ng mga PUV, mahigpit ding babantayan ng ahensya ang mga lalabag sa overloading at overcharging.
Pinaalalahanan din ng LTO ang mga tauhan nito na bawal munang umabsent simula bukas, Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4
Samantala, pinayuhan ni abaton ang mga pasahero na iwasang magdala ng maraming bagahe at mga ipinagbabawal tulad ng alak at patalim.