Paiigtingin pa ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iinspeksyon sa mga terminal kasabay ng random drug tests sa mga drayber ng pampublikong sasakyan.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at motorista.
Sa ilalim ng Section 15 ng Republic Act no. 10856 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 isinasagawa sa buong bansa ang random terminal inspection at quick random drug test sa PUV drivers.
Batay sa datos ng LTO, umabot sa 558 road crash incidents ang naitala mula January hanggang August 2022.
Nasa 476 drayber naman ang nagpositibo sa alcholic intoxication o nasa ilalim ng impluwensya ng alak kung saan lumalabas sa datos na 17 ang nasawi habang 281 ang sugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa mga nasabing buwan.
Samantala, muling nagpaalala ang LTO sa publiko na huwag uminom ng alak kung magmamaneho dahil magdudulot lamang ito ng panganib.