Nakapag-secure na ang LTO ng humigit-kumulang apat na milyong plastic card kaya tuluyan ng ititigil ang pagbibigay ng papel na driver’s license.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, ito’y dahil sa iaakyat ng Office of the Solicitor General sa Court of Appeals ang injunction order sa inisyu ng Quezon City Court sa natitirang 3.3 million na plastic cards na nabili sa unang bahagi ng taon.
Ang nakuhang cards ay sapat na upang matugunan ang backlog sa lisensya.
Samantala, tiniyak naman ng ahensya na ginagawa na rin ang mga plaka na higit-kumulang isang milyon para tuluyan ng maayos ang problema sa backlog. - sa panulat ni Kat Gonzales