Naniniwala ang Philippine National Police o PNP na may mga dapat baguhin sa patakaran ng Local Government Units o LGU kaugnay sa pag-iisyu ng permit sa mga organizer ng concert o party.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, dapat magkarooon ng malinaw na polisiya sa pagbibigay ng permit kung saan nakasaad ang responsilibidad ng mismong organizer.
Bago bigyan ng permit, sinabi ni Supt. Mayor na dapat obligahin ng LGU ang mga organizer na payagang makapasok ang mga police undercover sa mismong event upang mabantayan kung nagkakaroon ng bentahan ng illegal na droga.
Sa kasalukuyang set-up, hangang sa perimeter lang pinapayagan na mag-deploy ng mga pulis habang ang mga event security lamang ang nakatalaga sa seguridad sa loob ng concert ground.
By: Meann Tanbio