Suspendido ang pag-papalabas ng student permit ng Land Transportation Office (LTO) simula a-primero ng Hulyo.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, ito ay dahil kinakailangan nang sumailalim sa 15 oras na theoretical driving course ang mga mag-aapply ng student permit simula Agosto 3.
Paliwanag ni Galvante, idinagdag ang nabanggit na requirements dahil marami aniyang nakakakuha ng lisensya kahit hindi naiintindihan o alam ang mga rules at regulations sa trapiko at pagmamaneho.
Dagdag ni Galvante, may set up na ang lto at mga driving school kung saan maaaring ma-enroll ang mga nais matutong magmaneho at kumuha ng student permit.