Tuloy na sa Lunes, September 6 ang soft launch ng VaxCertPH o pag-iisyu ng vaccination certificate para sa mga fully vaccinated.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Harry Roque na uunahin sa unang yugto ng VaxCertPH ang mga OFW at mga lalabas ng bansa mula Metro Manila at Baguio City.
Pagbabatayan ng VaxCertPH ang data na isusumite ng Local Government Units sa pamamagitan ng vaccine information management system.
Una nang inihayag ng DITC na ang VaxCertPH ay posibleng maging fully implemented sa susunod na buwan.