Ipinag-utos ng D.I.L.G. o Department of Interior and Local Government sa mga opisyal ng barangay na magsagawa ng imbentaryo sa kanilang financial records.
Batay sa ipinalabas na direktiba ni DILG Officer In Charge Eduardo Año kailangan makatalima ang mga nakaupong barangay officials sa nasabing kautusan bago sumapit ang nalalapit na barangay at sangguniang kabataan elections.
Paliwanag ni Año ito ay upang malaman kung tama ang ginawang pagsisilbi ng mga opisyal ng barangay sa kanilang nasasakupan.
Bukod dito inatasan din ni Año ang mga alkalde na bumuo ng audit at transition teams upang matiyak na magiging maayos ang pagpapalit ng mga opisyal ng barangay matapos ang halalan.
Posted by: Robert Eugenio