Hindi trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-imbestiga at magsampa ng kaso kaugnay sa pagkakasangkot ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa umano’y suhulan sa BOC o Bureau of Customs.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella kasabay ng pag-giit na dapat ang mismong nag-aakusa kay Paolo Duterte ang magpatunay nito.
Sinabi pa na Abella na kilala ang Pangulo na galit sa korapsyon at napatunayan ito matapos sibakin sa pwesto ang kanyang dalawang malapit na appointees noon.
Matatandaang, una nang sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang magbitiw sa pwesto kung mapatutunayang sangkot sa katiwalian ang kanyang mga anak.