Isinusulong ni Senador Leila De Lima ang pag-iimbestiga sa senado ng dumadaming bilang mga Pilipinong nagpopositibo sa sakit na HIV o Human Immunodeficiency Virus at AIDS o Acquired Immuno Deficiency Syndrome.
Ito ay matapos na ikalarma ng senadora ang tumataas na kaso ng HIV at AIDS sa bansa lalo na sa mga kabataan.
Ayon kay De Lima, mahalagang masuri kung paano ipinatutupad ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang Philippine Aids Prevention and Control Act.
Dagdag ni De Lima, ang pataas ng pataas na kaso ng HIV – AIDS sa mga kabataan ay maaaring dulot ng kakulangan ng HIV awareness at ng makabagong teknolohiya kung saan madali na lamang ang pahanap ng sexual partners at pagkahumaling sa hindi ligtas na pakikipagtalik.
Giit pa ng senadora, dapat na paghusayin ng pamahalaan ang pagsususmikap na mabigyan ng impormasyon at kaalaman ang publiko tungkol sa HIV – AIDS para hindi na tumaas pa ang bilang ng mga kaso nito sa bansa.