Isinusulong ni Senadora Nancy Binay na imbestigahan sa senado ang paulit-ulit na aberya sa MRT sa kabila ng mga umano’y bagong bagon.
Sa programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” iginiit ni Binay na hindi akma sa sistema ng tren ng Pilipinas ang mga bagong bagon at depektibo rin maging ang mga prototype na umaandar.
Sinabi rin ni Binay na March 2013 pa inaward ang kontrata para sa mga bagong bagon na nagkakahalaga ng mahigit sa apat na Bilyong Piso ngunit mga prototype pa lamang ang pinagagana.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Senadora Nancy Binay sa DWIZ
By: Avee Devierte