Nanawagan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Finance (DOF) ang isang kongresista na imbestigahan ang umano’y dayaan sa bidding ng P4-B supply contract para sa national ID project ng gobyerno.
Giit ni Deputy Speaker at Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay Jr., dapat nang manghimasok sina BSP Governor Benjamin Diokno at Finance Secretary Carlos Dominguez sa pagpapatupad ng bidding process.
Pinaratangan ni Pichay ang BSP bids and awards committee na nagsingit ng umano’y kuwestiyunableng probisyon upang dalawa na lamang ang makakalahok sa bidding hanggang sa isa na lamang ang natirang bidder at naigawad pa rito ang nasabing kontrata.