Sinimulan na ng Office of the Ombudsman ang fact-finding investigation sa tago-umanong yaman ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ito’y sa gitna ng deliberasyon ng House Committee on Justice sa impeachment case laban kay Chairman Bautista na nakatakda bukas bukod pa sa isinasagawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation.
Kinumpirma naman ni Atty. Lorna Kapunan, Legal Spokesperson ni Patricia Bautista, maybahay ng poll body chief na nagtungo sa Ombudsman ang kanyang kliyente makaraan itong ipa-subpoena, noong Biyernes.
Ang imbestigasyon ay nag-ugat sa pagsisiwalat ni ginang Bautista sa hindi umano maipaliwanag na yaman ng kanyang mister partikular ang daan-daang Milyong Pisong nito sa iba’t ibang bank account.
SMW: RPE