Binatikos ni BAYAN Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang pagbibigay ng opurtunidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China upang makapagpasok ng telecom carrier sa bansa.
Ayon kay Zarate, maraming posibleng maging internet provider ngunit tila pinapaboran ng Pangulo ang China dahil tanging dito lang niya binuksan ang pagkakataon.
Iginiit din ng kongresista na mas makakabuti kung ang gobyerno mismo ang magtatayo ng sariling telco para matiyak na ito ay magiging maaayos ngunit abot kayang serbisyo para sa lahat.