Nagpatupad ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng manok at iba pang poultry product mula sa Australia kasunod ng bird flu outbreak sa naturang bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sakop ng ipinalabas na memorandum order no. 40 series of 2020, sakop ng temporary ban ang mga domestic at wild birds gayundin ang kanilang by-product tulad ng karne, old chicks, itlog at semen.
Una nang kinumpirma ng Australian government sa World Health Organization noong ika-31 ng Hulyo na mayroong H7N7 highly pathogenic avian influenza outbreak sa Lethbridge, Victoria.