Sinuspinde ng 8 bansa kabilang ang Japan at Morroco ang pag-angkat ng poultry products mula sa bansang France.
Ayon sa report ito ay dahil sa nakitang kontaminasyon ng nakamamatay na h5n1 bird flu virus na dahilan ng pagkamatay ng 22 manok sa Perigord Region.
Maliban sa Japan at Morrocco, kabilang din sa mga nagsuspinde ng pag-import ng poultry products sa France ay ang South Korea, China, Thailand, Egypt, Algeria at Tunisia.
Ito ang unang bird flu outbreak na tumama sa France na siyang pinakamalaking agricultural producer ng European Union.
By Ralph Obina