Nakumpleto na ng Commission on Elections o Comelec ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9.
Ayon sa poll body, dakong alas-10:28 ngayong araw nakumpleto ang mahigit 60 milyong balota, mas maaga sa nakatakdang deadline nito na sa Abril 25.
Samantala, matapos ang pag-imprenta ay dadaan sa verification process ang naturang mga balota.—sa panulat ni Airiam Sancho