Sa Pebrero 1 na ang pag-iimprenta ng mga balota.
Makaraan itong ire-schedule ng Commission on Elections (COMELEC) mula sa unang petsang napagkasunduan na Enero 27.
Ayon sa COMELEC, hindi pa napagpapasyahan ang mga disqualification case ng mga kandidato sa iba’t-ibang posisyon, partikular na ang sa national posts.
Samantala, posibleng isapubliko na ng COMELEC sa susunod na linggo ang paunang listahan ng mga kandidatong isasama sa balota.
Vote Counting Machines
Samantala, dumating na sa Pilipinas ang may 43,000 vote counting machine o VCM para sa Halalan 2016.
Ayon sa Commission on Elections, 97,000 VCM ang inaasahang maide-deliver bago matapos ang buwang kasalukuyan.
Mayroon pang 24,000 VCM ang hindi pa nailalabas ng Bureau of Customs.
Nang tanungin kung bakit mayroong mga VCM sa Customs, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na tatalakayin pa ang bagay na ito sa pagitan nina COMELEC Chairman Andres Bautista at Customs Chief Alberto Lina.
By Avee Devierte