Sisimulan na sa huling linggo ng Disyembre ang pag-imprenta sa mga balota na gagamitin sa 2025 elections.
Kahapon nang dumating sa National Printing Office ang mga printer na gagamitin sa pag-iimprenta ng mga balota.
Bago ito, kasado na rin sa susunod na buwan ang isasagawang test printing ng NPO at COMELEC.
Tiwala naman si COMELEC Chairman George Erwin Garcia na masusunod ng komisyon ang kanilang timeline.