Pag-imprenta ng Philippine Identification System (PhilSys) o National ID naantala dahil sa daming ng nagpaparehistro.
Ayon kay PSA chief Dennis Mapa, nasa 98.7% ng populasyon sa edad ng 15 taong gulang pataas at 80% ang target na registrant ngayon taong 2022.
Sa kabuuang bilang may 51.23% ang sumailalim sa backend identity verification.
Gayunpaman, plano na ng PSA na tumaas ang printing capacity ng National ID card sa 130,000 kada araw mula sa nasa 80,000 kada araw. —sa panulat ni Jenn Patrolla