Alam niyo ba na isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng black at white heads ay ang pag-inom ng alak o kape at paggamit ng oil based products.
Kabilang pa sa mga dahilan ay ang hormonal changes, menstruation, stress, sweating, paninigarilyo at ang hindi tamang paglilinis ng mukha.
Ang black at white heads kasi ay isang problema na nararanasan ngayon ng lahat sa kahit na anong uri ng balat kung saan, hinaharang ng waxy skin oil ang ating mga hair follicle na tumubo ng maayos kung saan, isa ito sa kinaiinisan ngayon ng mga pinoy na sinasabing isang uri ng comedones.
Dahil diyan, mayroon nang alternatibo, mabisa at madaling paraan upang ito ay maalis kabilang na dito ang lemon at seasalt mask na ginagamit isang beses sa isang linggo; oatmeal, lemon juice, at yogurt scrub na ginagamit isang beses sa isang linggo; honey, cinnamon at milk na ginagamit din isang beses sa isang linggo.
Ang mga nabanggit na paraan ay inilalagay at ibinababad mismo sa parte na mayroong black at white heads, saka ito huhugasan matapos ang sampung minuto. —sa panulat ni Angelica Doctolero