Para sa mga mahilig sa kape upang manatiling gising at puyat para sa trabaho o ilang mahalagang bagay.
Ayon sa pag-aaral, bagaman may magandang dulot ang kape, may masama pa rin itong epekto kung masosobrahan.
Ito ay ang mga sumusunod;
- Una; Anxiety, Palpitation at Anger Outburst. Mabilis nerbyosin, kabahan, iritable at nagiging magagalitin.
- Pangalawa; Pagkaantok sa umaga matapos uminom ng maraming kape sa gabi.
- Pangatlo, madalas na pag-ihi o pagka- dehydrate. Ang kape ay Diuretic o pampaihi kaya siguraduhing kapag uminom ng kape ay uminom rin ng tubig upang hindi ma-dehydrate.
- Pang-apat; maaaring magtae o mas dumalas ang pagtae. ang kape kasi ay laxative sa halos 30% ng mga tao.
- at Pang-huli, ang pag-inom ng kape ay nakakasira sa dami at kalidad ng tulog dahil maaari nitong sirain ang iyong biological clock.