(HEALTH)
Batid na marahil ng marami sa atin na ang pag-inom ng red wine ay mabuti para sa kalusugan ng ating puso at nakatutulong para sa pagbabawas ng timbang.
Ngunit maliban dito, napag-alaman sa bagong pag-aaral na nakapagpapabuti rin pala ng kalusugan ng ating ngipin ang red wine.
Ayon sa mga eksperto mula sa Spanish National Research Council sa Madrid, lumalabas na nagtataglay ng anti-oxidants na polyphenols ang red wine.
Ang compound na ito na matatagpuan din sa kape at cranberry juice ay tumutulong para maiwasang dumikit ang mga bacteria sa ating gilagid na posibleng magdulot ng cavities at plaque.
Dahil dito, naiiwasan ang mga gum disease at pagkakaroon ng tooth decay o pagkabulok ng ipin.
—-