Para sa mga mahilig uminom ng red wine, alam niyo ba na may benepisyong makukuha sa pag-inom nito?
Sa naging pag-aaral ng journal of Agricultural and Food Chemistry, ang pag-inom ng wine ay maaring makatulong upang maiwasan ang gum diseases at pagkasira ng ngipin.
Ayon sa mga Spanish researcher, ang red wine ay nagtataglay ng polyphenol na isang organic chemical na nakakatulong upang maalis ang mga bad bacteria sa ating mga ngipin.
Bukod pa dito, nakakatulong din ito upang mas maging malusog at matibay ang ating mga ngipin pero hindi dapat masobrahan ang isang tao sa pag-inom nito dahil dalawang baso lamang ang maaring inumin ng isang indibidwal kada isang araw.