Sisimulan bukas, araw ng Lunes ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang inspection sa mga bus terminals sa Metro Manila.
Layon ng inspection na makita ang kahandaan ng mga bus terminals sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan.
Sinabi sa DWIZ ni LTFRB Chief Winston Ginez na nais makatiyak ng ahensiya na maging maayos ang biyahe ng mga pilipinong nais mag-pasko at mag-bagong taon sa mga lalawigan.
Inaasahan aniyang magsisimula ang pagdami ng mga pasahero sa mga bus terminals sa December 23 hanggang December 24, gayundin sa bago dumating ang bisperas ng bagong taon.
By: Aileen Taliping (patrol 23)