Pinangangambahan ang pag-iral ng de facto martial law sa bansa.
Ipinahayag ito ng grupong Karapatan kasunod ng plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng mas marami pang dating militar sa kanyang pamahalaan.
Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, kahalintulad na rin ng de facto martial law ang plano ng Pangulo dahil tila pinasisikip nito ang demokratikong espasyo sa bansa.
Una rito, sinabi ng Pangulo na mas gusto nyang magtalaga ng mga dating militar sa pamahalaan dahil naniniwala sya sa kanilang katapatan at pagiging masipag.
—-