Ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang posiblidad na makaranas ng El Niño ang bansa sa mga huling buwan ng 2018.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section OIC Ana Liza Solis, batay sa nakuha nilang datos mula sa World Meteorological Organization, nakita ang unti-unting pag-init sa Pacific.
Posible aniyang umabot ang nasabing pagtaas sa temperatura sa lebel ng mahinang El Niño at maramdaman sa huling quarter ng taon.
Sinabi pa ni Solis, isang neutral condition ang iiral simula ngayong Hunyo hanggang Agosto pero tataas sa animnapung porsyento ang posibilidad ng El Niño sa katapusan ng 2018.
Dagdag ni Solis, inaasahan din ang malapit sa normal ng lebel ng mararansang ulan sa malaking bahagi ng bansa mula Hulyo hanggang Disyembre maliban sa kanlurang Luzon tulad ng Zambales, Pampanga at Ilocos Region.
—-