Idineklara na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng pag-iral ng matinding El Niño sa bansa.
Ayon sa PAGASA, nakamit na ang criteria para maideklara ang pagpasok ng strong El Niño matapos ang 3 buwang obserbasyon.
Sa pagtaya ng PAGASA, mahigit 50 porsyento ng bansa ang makararanas ng matinding tagtuyot bago matapos ang taon.
Pagsapit ng Pebrero sa 2016, pinangangambahang aakyat sa 85 porsyento ang tatamaan ng husto ng El Niño.
Matatandaang nitong Agosto, aabot na sa 25 lalawigan ang nakaranas ng dry condition, 5 lalawigan ang nakaranas ng dry spell habang 7 naman ang nakaranas ng drought.
By Ralph Obina