Kasama sa rekomendasyon ng OCTA Research Group ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus.
Ayon ito kay Professor Guido David, miyembro ng OCTA Research, at naniniwala silang malaki rin ang maitutulong ng MECQ na ipinatutupad simula ngayong araw na ito hanggang ika-30 ng Abril sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite para bumaba sa less than 1 ang reproduction number.
Sinabi sa DWIZ ni David na nirerespeto naman nila ang desisyon ng gobyerno na pinili ang pagbalanse sa pagitan ng public health at livelihood.
Malaki na rin ang maitutulong ng MECQ sa pagbaba ng trend. Ngayon kasi nasa 1.24 ang reproduction number natin. Ang inaasahan natin with the 2 weeks MECQ, mapababa natin ‘yan sa less than 1 at mag-flatten ang curve,” ani David. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais