Dismayado ang maraming grupo matapos na isnabin nina Pangulong Noynoy Aquino at Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang isyu ng basura ng Canada na itinambak sa Pilipinas.
Ayon kay Von Hernandez, dating Executive Director ng Greenpeace Southeast Asia, pinakawalan nina Aquino at Trudeau ang pagkakataong ipakita sa mundo kung paano ang maging tunay na lider sa pamamagitan ng pagtama ng isang mali.
Sa panig ni Alan Tanjusay, Spokesman ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP, binatikos nito ang pag-iwas nina Aquino at Trudeau sa responsibilidad.
Tinatayang 103 container vans ng basura mula sa Canada ang pumasok sa bansa mula June 2013 hanggang 2014.
Lumalabas na ang pagpasok ng basura ng Canada sa Pilipinas ay nag-ugat rin sa mga naunang APEC Summit.
By Len Aguirre