Ipinatigil muna ng local government ng Malay, Aklan ang pag-issue ng mga barangay I.D. para sa mga residente ng Boracay.
Ito’y sa gitna ng pangamba na hindi na makabalik ang mga residente sa Boracay sa oras na ipasara sa loob ng anim na buwan ang isla.
Ayon kay Rowen Aguirre, Executive Assistant to the Mayor ng Malay, maaari namang gumamit ng government-issued I.D. hangga’t nakasaad na sa Boracay naninirahan ang residente.
Samantala, bagsak presyo na ang mga paninda sa isla dahil sa nalalapit na temporary shutdown.