Ipinagpaliban na Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang issuance ng permit para sa road sharing experiment sa Edsa na magsisimula sana bukas.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bagaman pabor siya sa layunin ng bayanihan sa daan movement, inirekomenda ng MMDA Traffic Management Committee ipagpaliban ng dalawang linggo ang eksperimento dahil mayroong reblocking sa ilang bahagi ng Edsa.
Kulang pa aniya sa preparasyon ang aktibidad at maaapektuhan din nito ang isasagawang fun run sa Mall of Asia, sa Pasay City.
Dagdag ni tolentino, dapat pang pag-aralang mabuti ang plano at i-briefing ang mga motorista upang maiwasan ang mga posibleng aberya.
By Drew Nacino