Posibleng payagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagkakaroon ng resibo mula sa vote counting machines (VCM) sa May 9 elections.
Subalit, ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ito’y para lamang sa overseas absentee voting o OAV.
Giit ni Bautista, para makaboto ay mayroon namang 30 araw ang OAV kaya’t may sapat na panahon ang mga ito para basahin ang resibo.
Isusulong naman umano ng COMELEC ang pagkakaroon ng higit isang araw na botohan sa mga susunod na halalan.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: (AP Photo/Kin Cheung)