Inamin ng Commission on Elections (Comelec) na dapat na muling simulan ng komisyon ang pag-isyu ng Voter’s ID sa mga botante pagkatapos ng halalan sa Mayo.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang muling pagbuhay sa pag-isyu ng Voter’s ID ay dagdag na impormasyon dahil na rin sa mga yumao na nasa Voter’s list.
Aminado rin si Comelec Spokesman James Jimenez na maaaring gamitin ang pangalan ng mga yumaong botante para bahiran ang halalan.
Malaking tulong naman sa halalan ang mga Voter’s ID, dahil dagdag identification ito para sa mga botante. — sa panulat ni Mara Valle