Iwasan muna ang pisikal na pangangaroling at pagkanta sa karaoke o videoke.
Ito ang inirerekomenda sa publiko ng Department of Health (DOH) dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Sa halip ay inirerekomenda ng DOH sa pamamagitan ng isang advisory ang pagsasagawa ng online at virtual activities.
Mas maigi rin umanong makinig na lang ng musika sa halip na kumanta upang makaiwas sa droplets na maaaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.