Suportado ni Senador Francis Kiko Pangilinan ang pag kambyo ng PNP hinggil sa paghahatid at pagsundo sa essential workers sa panahon ng ECQ sa Metro Manila simula bukas, Agosto 6.
Ayon kay Pangilinan, tama lamang ang anunsyo ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na papayagan nang makapaghatid sundo ang mga non APOR sa apor basta’t mayroong certificate of employer ang ipagmamaneho dahil dagdag pahirap kapag nag commute pa ang frontliners at essential workers.
Sinabi ni Pangilinan na dapat gumawa ng paraan ang gobyerno at huwag maging pahirap sa taumbayan dahil ang publiko ay pilit hinahanap ng solusyon ang kanilang problema sa pagtatrabaho sa gitna ng pandemya.