Pambansang trahedya.
Ito ang taguri ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario matapos aniyang kampihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang China sa laban ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon pa kay Del Rosario, matinding sugat ang dala sa mga Pilipino nang paniniwala ng Pangulong Duterte na ang arbitral ruling ay isang pirasong papel lamang na dapat itapon sa basurahan.
Iginiit pa ni Del Rosario ang trabaho ng pangulo sa ilalim ng konstitusyon na i-depensa ang claim ng bansa sa WPS at ipatupad ang arbitral ruling laban sa China.