Sinuportahan ni Democratic Presidential Candidate Hilary Clinton ang desisyon ni U.S. President Barack Obama na kanselahin ang pulong nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Clinton, tama lamang ang naging tugon ni Obama sa mga pinakawalang insulto sa kanya ni Duterte.
Ipinaliwanag ni Clinton na naglilista ang Amerika ng mga isyung dapat talakayin kapag mayroong pulong ang kanilang Pangulo sa lider ng ibang mga bansa.
At sa kaso anya ng Pilipinas, hindi mawawala sa listahan ang extrajudicial killings dahil sa nakakabahalang bilang ng mga napatay.
By: Len Aguirre