Pinaninindigan ni House Minority Leader Edcel Lagman ang pag kontra sa impeachment case laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
Iginiit ni Lagman na premature para sa House Justice Committee na maghanda ng articles of impeachment laban kay Bautista dahil hindi pa nila natututukan ang substance at sufficiency ng reklamo.
Sinabi ni Lagman na dahil nag resign na si Bautista at hanggang December 31 na lamang ito hindi na kailangan o wala nang bigat ang anumang impeachment proceedings dahil ang dahilan ng impeachment ay para mapatalsik ang respondent.