Pag-control sa presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ng pagkain ang nangunguna pa ring alalahanin ng mayorya ng mga Filipino.
Batay ito sa OCTA Research Group survey sa 1,200 respondents noong October 23 hanggang 27.
Sa naturang survey, 57%ng respondents ang nagsabing inflation ang nangunguna sa tatlong national concerns na nais nilang resolbahin agad ng gobyerno kumpara sa 52 percent na naitala sa kahalintulad na survey noong Marso. 48% naman ang nagsabing pagsasa-ayos o pagtaas ng sahod ng mga manggagawa ang dapat tutukan kumpara sa 43% noong Marso; sinundan ng abot-kayang pagkain, 46% kumpara sa 41% noong Marso.
Kabilang din sa national concerns ang paglikha ng mas maraming trabaho, 29%; pagbibigay ng libre at de-kalidad na edukasyon, 26% at pagpapaba sa antas ng kahirapan, 24%.