Suportado ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang pagsasabatas sa paggamit ng marijuana para sa paggamit na medikal.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kinikilala ng ahensya ang pangangailangan ng mga pasyente na magkaroon ng access para sa ligtas at murang medical cannabis bilang gamot sa ilang sakit.
Ngunit paalala ni Aquino, kailangan ay maging specific ang naturang panukalang batas partikular sa paggamit ng tablet at capsule na cannabis at hindi ang mismong halaman.
Kailangan na maging malinaw ang depenisyon ng marijuana na tumutukoy sa mga bahagi ng halamang cannabis sativa habang ang cannabis naman preparation ng cannabis plant na ginagamit bilang gamot.
Matatandaang inaprubahan sa committee level ng Kamara ang House Bill 180 o panukalang batas na nagsusulong sa legalization at regulation ng medical marijuana.
—-