Malaki ang posibilidad na tuluyan nang i-lift o alisin ang fisheries administrative order 195, na pinapayagan ang pag-apruba ng importasyon ng frozen fish pero dapat i-deliver sa mga institutional buyers.
Sinabi ito sa DWIZ ni Nazario Briguera, Chief Information Offices ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), matapos ikasa ang moratorium epektibo ngayong araw laban sa imported frozen fish sa mga wet market sa bansa.
Nangangahulugan ang kautusan na hindi na kukumpiskahin ang mga diverted frozen fish, habang nire-review ang guidelines ukol dito.
Ayon kay Briguera, maraming bagay silang dapat ikonsidera upang repasuhin at amyendahan ang kautusan, na akma sa panahon ngayon.
Umaasa naman si briguera na makatutulong ang pag-review sa fisheries administrative order 195 lalo na sa mga mangingisda at mamimili.