Mas makabubuting hintayin na lamang munang ma-lift o maalis ang State of Calamity bago magpatupad ng taas pasahe sa tren.
Ito ang iminungkahi ni Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa Department of Transportation (DOTr) .
Giit ng solon, dapat din na maging staggered o paunti-unti ang gagawing pagpapatupad ng dagdag pasahe.
Malaking pasanin kasi aniya kung gagawing isang bagsakan ang pagpapatupad ng fare increase lalo na’t marami sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan ng napakataas na presyo ng langis, bilihin at serbisyo.
Maliban dito, hiniling din ng mambabatas sa DOTr, na mabigyan din sana ng diskwento sa pasahe ang mga construction workers at iba pang manggagawa sa Informal Economy, maliban pa sa mga Senior Citizen, PWDs at mga estudyante.