Inatasan na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang mga ahensya ng gobyerno at local government units na i-maximize ang government assets para sa search and rescue at relief operations sa mga lugar na apektado ng malakas na lindol sa Northern Luzon.
Sa press briefing sa Bangued, Abra na pinangunahan ni Pangulong Marcos, ipinag-utos nito sa national government agencies na makipag-tulungan sa mga local government upang hindi magkalituhan.
Partikular na pinatututukan ng punong ehekutibo ang pag-i-inspeksyon ng imprastraktura, gusali at mga bahay na dapat anyang magkatuwang na isagawa ng national at local government agencies.
Nais din ng pangulo na matiyak ng mga ahensiya na ligtas ang mga ospital upang hindi mabalam ang operasyon nito sa gitna ng mga kalamidad o anumang emergency.