Malaking hamon ngayong taon ang pag-monitor sa subvariants at variants ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang inamin ni OCTA research fellow Dr. Guido David dahil maraming umuusbong na bagong mga subvariants ng naturang virus.
Sinabi pa ni David na dati ay paisa-isa lamang gaya ng alpha, beta, delta, at omicron kung saan nakikita na agad kung mayroong paparating na bagong omicron variants.
Ngayon aniya ay sobrang dami ng subvariants pero hindi umano lahat ng ito ay nakapagdudulot ng surge bagama’t transmissible ang mga ito.
Aniya, tulad ng XBB hindi rin inaasahan na nakapasok ang BA.5 sa Pilipinas kung saan nagdulot na ito ng local transmission sa bansa.