Mahigpit na babantayan ng Commission on Elections (COMELEC) ang gastos ng mga kandidato.
Tiniyak ito ng COMELEC sa pagsisimula ngayong araw na ito ng official campaign period para sa May 9 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, mas mahigpit ngayon ang kanilang finance office na pinangungunahan ni Commissioner Christian Robert Lim sa pag-monitor sa mga ginagasta ng mga kandidato sa mga ads at iba pang paraphernalia upang matiyak na hindi lalabag sa batas ang mga ito.
Sinabi ni Bautista na makikipagtulungan sila sa Anti-Money Laundering Council, Commission on Audit at Bureau of Internal Revenue sa pag-monitor sa mga kandidato.
Nakasaad sa COMELEC Resolution 9981 na hindi dapat lumampas sa 120 minutes ang TV ads at 180 minutes na radio commercials kada istasyon ang mga kandidato at registered political parties para sa national posts, binili man ito o donasyon.
By Judith Larino