Wala pang hawak na ebidensiya ang World Health Organization (WHO) kung nag-mutate na ang monkeypox virus.
Ayon kay Rosamund Lewis, isang opisyal mula sa WHO Emergencies Programme, kontrolado na ang pagkalat ng monkeypox lalo na sa Europe at north america.
Kung mayroon nang mutation, naniniwala si Lewis na pinabababa na nito ang pagkalat ng virus na matutukoy sa pamamagitan ng genome sequencing.
Bagaman hindi karaniwang kumakalat sa tao ang monkeypox, maililipat pa rin ito sa pamamagitan ng pagtatalik o close-to-person contact at paggamit ng kagamitang pagmamay-ari ng mayroong monkeypox.
Ilan sa mga bansang mayroon nang monkeypox virus ang Australia, Canada, France, Germany, Portugal, Spain, U.S.A at Sweden.