Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11647 na nag-amiyenda sa foreign investments act of 1991.
Nakasaad sa ra 11647 na pinapayagan na ang mga kuwalipikadong dayuhan para magnegosyo sa Pilipinas o mag-invest sa mga negosyo sa bansa ng hanggang isandaang porsiyento ng kanilang capital at magkaroon ng 100% ownership sa mga small at medium-sized enterprises.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, Chairperson ng House Committee on Ways and Means, inaasahan ang pagpasok ng mas malalaking foreign investment sa bansa ngayong pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang panukala na mag-aamiyenda sa foreign investments act of 1991.
Dagdag pa ni Salceda, palalakasin umano nito ang nais ng gobyerno na maging start-up hub ang bansa sa Southeast Asia para sa mga nagsisimulang negosyo. – sa panulat ni Mara Valle