Ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagpapalawig sa validity o bisa ng mga Notarial Commissions na ipinagkaloob nito sa mga abogado noong 2019.
Batay sa dalawang pahinang resolusyon, pinagbigyan ng kataas-taasang hukuman ang hirit ni Atty. Dominga Egon Cayosa, National President ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), at ng iba pang grupo ng mga abogado.
Sa kanilang liham sa Supreme Court, binanggit ng mga miyembro ng IBP na nahihirapan sila sa pagkuha ng mga dokumentong kailangan para sa renewal ng kanilang Notarial Commissions.
Matatandaang pinayagan din ng korte suprema noong December 2020 ang automatic extension ng validity ng mga Notarial Commissions.
Ayon sa mataas na hukuman, ito’y nangangahulugan na maaari pang mag-notaryo ng mga dokumento ang mga abogado mula ngayong araw hanggang December 31, 2021. —Ulat mula kay Patrol 13 Gilbert Perdez